Pabigat
Araw araw na lang. Araw araw na kelangan kong maging masaya dito sa bahay. Araw araw na ipapamukha nila sa akin kung gaano ako kasama, kadamot, pabigat, katamad. Araw araw na kailangan kong hindi sumagot. Araw araw sa sarili ko lang kaya kong kausapin.
Minsan nga gusto kong tanungin sa sarili ko eh,
may pakinabang pa ba ako? Masakit na kasi minsan. Nakikiride na lang ako na hindi ako nasasaktan. Kelan ko ba huling narinig ang mga papuri nila?
Truly yours,
Masamang Anak.